Pumunta sa nilalaman

baba

Mula Wiktionary

Tagalog

[baguhin]

Pang-abay

[baguhin]

(panulad)
baba

  1. Mas malapit sa pinakamaliit na halaga.
    Ang baba naman ng gradong nakuha mo sa Ingles.
  2. Mas malapit sa lupa.
    Sa baba ng kisame ng bahay ni Rosing, halos abot na namin ito.

Mga salin

[baguhin]

Pandiwa

[baguhin]
Kaganapan Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Tagaganap bumaba bumababa bababa
Tagatanggap ibinaba ibinababa ibababa
Layon binaba binababa bababaan
Ganapan pinagbabaan pinagbababaan pagbababaan
Kagamitan ipinangbaba ipinapangbaba ipangbababa
Sanhi -- -- --
Direksyunal ibinaba ibinababa ibababa

baba

  1. (sa kaganapang tagaganap) Gumalaw mula sa itaas patungo sa ibaba.
    Bumababa ng hagdan si Grace.
  2. (sa kaganapang layon at tagatanggap) Pagdala ng isang bagay--tahas man o basal--mula sa itaas papunta sa ibaba.
    Bababaan ng mga tindera ang presyo ng gulay.
    Ibinababa ni Alfred ang mga lumang damit upang ipamigay sa mahihirap.

Mga salin

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

(pambalana)
baba

  1. Ibabang bahagi ng mukha, sa ilalim ng labi o sa bandang ibabang panga.
    Naging pambenta ng komedyanteng si Ai-Ai de las Alas ang kanyang mahabang baba.

Mga salin

[baguhin]

Afrikaans

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba (maramihan babas)

  1. Isang sanggol.

Albanes

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Tatay.

Aleman

[baguhin]

Padamdam

[baguhin]

baba

  1. Paalam, hanggang sa muli; karaniwang ginagamit sa Austria.

Bosniyo

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba (maramihan babe)

  1. Isang lola.
  2. Isang matandang babae.

Hapones

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

(Romaji)

Mga iba pang baybay

[baguhin]

Ingles

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Isang uri ng keyk na binabad sa rhum.
  2. Lola o matandang babae, gamit ng mga taong mula sa Silangang Europa.
  3. Ama o tatay, gamit ng mga taong mula sa Gitnang Silangan, Indya, o Tsina.
  4. Isang banal na tao
  5. Sanggol o bata.
  6. Karaniwang salitang ibinibigkas ng sanggol.

Kastila

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Laway na tumutulo mula sa bibig.

Pinlandes

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Isang uri ng keyk na binabad sa rhum.

Mga deribasyon

[baguhin]

Polones

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Isang matandang babae.
  2. Di-magalang na tawag sa babae.

Pranses

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba (maramihan babas)

  1. Isang uri ng keyk na binabad sa rhum.

Rumano

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

(pambabae, isahang anyo ng babă sa tagaganap at layon)
baba

  1. Isang matandang babae.

Serbiyo

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Isang lola.
  2. Isang matandang babae.

Mga iba pang baybay

[baguhin]

Tsino

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Ama, tatay.

Mga iba pang baybay

[baguhin]

Unggaro

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Isang manika.
  2. Isang napakabatang sanggol.

Turko

[baguhin]

Etimolohiya

[baguhin]

Mula sa بابا (bābā) ng Persiyano.

Pangngalan

[baguhin]

baba

  1. Ama, tatay.
  2. Tawag kay Santo Gül Baba.