Agar
Ang agar o agar-agar ay isang mala-halayang (jelly-like) sangkap, na nanggaling sa algae. Nadiskubre ito sa gitna ng taong 1650 at 1660 ni Mino Tarōzaemon sa bansang Hapon, kung saan ang tawag dito ay kanten.
Ang agar ay hango sa polysaccharide agarose na bumubuo ng kayarian na sumusuporta sa selula ng mga piling klaseng algae, na siyang pinapakawala pagkulo. Itong mga algae ay kilala bilang agarophytes at nasa paylum na Rhodophyta (pulang algae). Ang agar ay resulta sa paghahalo ng dalawang sangkap: ang linear polysaccharide agarose, at ang magkakaibang halo ng mga maliliit na molekula na tinawag na agaropectin.
Sa buong kasaysayan hanggang sa makabagong panahon, ang agar ay ginagamit bilang isang pangunahing sangkap ng minatamis sa Asya at bilang isang solidong suson na maglalaman ng culture media para sa gawaing mikrobiyolohiya. Ang agar (agar-agar) ay pwedeng gamitin bilang isang pampurga, pampawala ng ganang kumain, isang kapalit na gulaman para sa hindi kumakain ng karne, pampalapot ng sopas, bilang prerbang prutas, sorbetes, at iba pang minatamis, isang sangkap sa paggawa ng serbesa, at sa pagsusukat ng papel at tela.