Pumunta sa nilalaman

Pantasya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Fantasy)

Ang pantasya ay isang kategorya ng kathang-isip na haka-haka na kinabibilangan ng mga elementong mahika, tipikal na ang tagpuan sa isang unibersong piksyonal at kadalasang kumukuha ng inspirasyon mula sa mitolohiya o kuwentong bayan. Ginagamit din ang katawagang "pantasya" upang isalarawan ang isang "gawa sa kategoryang ito",[1] kadalasang pampanitikan.

Nasa mga pasalitang tradisyon ang ugat nito, na naging panitikang pantasya at drama. Mula noong ikadalawangpung dantaon, lumawak pa ito sa iba't ibang midya, kabilang ang pelikula, telebisyon, mga nobelang grapiko, manga, animasyon at larong bidyo.

Madalas din gamitin ang ekpresyon na fantastic literature o panitikang pantastiko upang tukuyin ang kategoryang ito ng mga pampanitikang kritikong Anglopono.[2][3][4][5] Kabilang sa alternatibong katawagan ang phantasy,[6] bagaman, bihira itong gamitin, xuanhuan (para sa gawang pantasyang Tsino na may malakas na diin sa mahika),[7] at qihuan (para sa mga nobelang pantasyang Tsino na nasa mga mundong pantasya na pinagsasama-sama ang mga elemento mula sa pantasyang Europeo at Tsino).[7]

Ipinagkakaiba ang pantasaya mula sa mga kategoryang kathang-isip na pang-agham at katatakutan sa pamamagitan ng kawalan ng mga temang makaagham o nakakatakot, bagaman, maaring mangyari ito sa pantasya. Sa kulturang popular, nakakarami sa kategoryang pantasya ang tinampok na mga tagpuan na tinutularan ang Daigdig, subalit may pakiramdam na iba.[8] Bagaman sa pinakamalawak na kahulugan, binubuo ang pantasya ng gawa ng maraming manunulat, artista, gumagawa ng pelikula, at musikero mula sa mga sinaunang mito at alamat hanggang sa maraming kamakailang tanyag na gawa.

Sa telebisyon sa Pilipinas, tinutukoy ng ABS-CBN ang kanilang gawa bilang fantaserye habang telefantasya naman sa GMA Network.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Fantasy". The Free Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rabkin, Eric (1975). The Fantastic in Literature (sa wikang Ingles). Princeton: Princeton University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jackson, Rosemary (1981). Fantasy: The Literature of Subversion (sa wikang Ingles). London: Methuen.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Armitt, Lucy (1996). Theorising the Fantastic (sa wikang Ingles). London: Arnold.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sandner, David (2004). Fantastic Literature: A Critical Reader (sa wikang Ingles). Westport: CT: Praeger.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "fantasy" (sa wikang Ingles). Encyclopedia Britannica. 2022-11-28. Nakuha noong 2023-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Bai, Jeremy (2020). Understanding Chinese Fantasy Genres: A primer for wuxia, xianxia, and xuanhuan (sa wikang Ingles). Independently published. ISBN 979-8577559489.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Saricks, Joyce G. (2001). The readers' advisory guide to genre fiction (sa wikang Ingles). American Library Association. pp. 36–60. ISBN 0-8389-0803-9. OCLC 46769544.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Sawikaan 2007: mga salita ng taon. UP Press. 2005. p. 132. ISBN 978-971-542-583-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang fantasy sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.