Pumunta sa nilalaman

KALIBAPI

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
PinunoDirectors-General:
Benigno S. Aquino (1942–1943)
Camilo Osías (1943–1945)
Kalihim-PanlahatPio Duran
NagtatagKomisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas
Itinatag8 Disyembre 1942 (1942-12-08)
Binuwag1945 (1945)
Punong-tanggapanMaynila, Ikalawang Republika ng Pilipinas
PalakuruanFilipino nationalism
National conservatism
Pasismo
Japanophilia
Posisyong pampolitikaFar-right
Simbolong panghalalan
Logo
Talaksan:Kalibapi Seal.png

Ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) ay isang partidong pampolitika na nagsilbing ang nag-iisang umiiral na partido sa Pilipinas noong pananakop ng Hapon. Ito ay nilayong maging bersiyong Pilipino ng partidong Taisei Yokusankai ng pamahalaan ng Hapon. Ito ay binuo ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas sa ilalim ni Jorge Vargas. Ito ay nilikha alinsunod sa Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas noong 8 Disyembre 1942. Ang KALIBAPI ay naging makinarya sa propaganda ng mga Hapones upang makuha ang simpatya at pakikiisa ng mga Pilipino. Nang lumaon ito ay itinatag na isang partido pampolitika. Binuwag ang lahat ng mga lapiang pampolitika at tanging KALIBAPI lamang ang partidong pampolitika na pinahihintulutang umiral ng mga Hapones.


KasaysayanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.