Ingkubo
Ang isang ingkubo (anyo ng kapangalanan na binuo mula sa pandiwang Latin na incubo, incubare, o "humimlay sa ibabaw", "humigang kumukubabaw", o "pumatong") ay isang lalaking demonyo na, ayon sa ilang mga kaugaliang pangmitolohiya at pang-alamat, na humihiga sa ibabaw ng mga natutulog, natatangi na sa mga babae, upang makipagtalik sa mga ito. Ang katumbas nitong babae ay ang sukubo. Ang ingkubo ay maaaring magsumikap na magkaroon ng ugnayang seksuwal sa isang babae upang magkaanak, katulad ng sa alamat ni Merlin (sinasabing ang ama ni Merlin ay isang ingkubo, ayon sa Historia Regum Britanniae ni Geoffrey of Monmouth at sa marami pang ibang mga pagsasalaysay.)[1] Pinanghahawakan ng tradisyong panrelihiyon na ang paulit-ulit na pakikipagtalik sa isang ingkubo o sa isang sukubo ay maaaring magresulta sa panghihina ng kalusugan, o sa kamatayan.[2]
Ang pagkakaroon ng mga ingkubo at ng mga sukubo ay pinaniniwalaan ng mga taong namuhay noong Gitnang Kapanahunan. Naniniwala ang mga taong ito na isa sa mga dahilan ng pagsiping ng ingkubo sa isang babaeng tao ay upang makalikha ng isa pang ingkubo. Habang nakikipagtalik ang ingkubo sa kaniyang biktima, sinasamsam at sinasaid ng ingkubo ang lakas ng katalik upang mapalakas ang sarili niya. May ilang mga napagkunan ng kabatiran na makikilala ang isang ingkubo sa pamamagitan ng hindi likas na malamig na titi nito.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lacy, Norris J. (1991). "Merlin". Nasa Norris J. Lacy, The New Arthurian Encyclopedia, p. 322. (New York: Garland, 1991). ISBN 0-8240-4377-4.
- ↑ Stephens, Walter (2002), Demon Lovers, p. 23, The University of Chicago Press, ISBN 0226772624
- ↑ Russsel, Jeffrey Burton (1972), Witchcraft in The Middle Ages, pp. 239, 235 Cornell University Press, Ithaca at London, ISBN 0-8014-0697-8
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.