Pumunta sa nilalaman

Lesbiyana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lesbiyanismo)
Ang salitang "lesbiyana" ay maaaring tumukoy sa katauhan ng isang babae, sa pagnanais, o sa gawain sa pagitan ng mga babae. (Sina Sappho at Erinna sa loob ng isang Halamanan sa Mytilene na ipininta ni Simeon Solomon)
Ang bandila ng mga lesbiyana.

Ang isang lesbiana, lesbiyana o tibo (Ingles: lesbian) ay isang babaeng homoseksuwal. Nangangahulugan ito na ang isang babae ay sekswal na naaakit sa kapwa mga babae at hindi sa kalalakihan.[1] Kung minsan ang isang lesbiana ay tinatawag din bilang tomboy, tibo, babaeng bakla, at binalaki.[2]

Maaari ding gamitin ang terminong lesbiyana kapag tinutukoy ang sekswal na pagkakakilanlan o pagkilos, na walang kinalaman sa oryentasyong pang-sexual. Maaari din itong gamitin bilang pang-uri na mag-uugnay ng mga salita sa homosexualidad sa kababaihan o atraksyon sa pagitan ng magkaparehong kasarian.

Upang kilalanin ang pagkakaiba sa mga kababaihang may komon na oryentasyong pang-sexual, ang konsepto ng “lesbiyana” ay isang ideyang produkto ng ika-dalawampung siglo. Sa takbo ng kasaysayan, hindi naranasan ng mga kababaihan ang kalayaang magtaguyod ng relasyoing homosexual katulad ng kalalakihan. Ngunit hindi rin natanggap ng mga kababaihan ang kasing-rahas na kaparusahan na natanggap ng mga homosexual na lalaki sa ilang mga lipunan.

Sa halip, ang mga lesbiyanang relasyon ay madalas na naituturing na hindi nakapipinsala, at hindi maikukumpara sa mga heterosexual na relasyon, maliban na lamang kung ang mga nasa relasyon ay nagtangkang kamtin ang mga pribelehiyong kadalasan ay tinatamasa ng mga kalalakihan. Dahil dito, kaunting bahagi lamang ng kasaysayan ang naitala upang makapagbigay ng wastong paglalarawan ng pagpapahayag ng homosekswalidad sa mga kababaihan.

Ipinahihiwatig ng paglalarawan ng mga lesbyana sa midya na ang lipunan ay sabay na naiintriga at nababahala sa mga kababaihang hinahamon ang pangbabaeng mga tungkulin, at namamangha at namumuhi sa mga babaeng may romantikong relasyon sa iba pang mga babae.

Salin mula sa Lesbian.

Nagmula ang salitang "lesbiana" mula sa Lesbos (Λέσβος), isang pulo sa Gresya.[1] Isang sinaunang makata na may pangalang Sappho ang namuhay sa Lesbos. Nagsulat si Sappho ng mga tula na ang karamihan ay hinggil sa pag-ibig. Marami sa kanyang mga tula ng pag-ibig ang isinulat para sa mga babae. Kung kaya't ang kaniyang pangalan at ang pulong kinatitirahan niya ay nakapagpaisip sa mga tao ng mga babaeng nagmamahal ng kakapwa mga babae. Sa kung minsan ang mga lesbiana ay tinatawag din bilang mga "Sapphista" mula sa pangalang Sappho.

Mga lesbiana at peminismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok ang mga lesbiana sa sinaunang mga kilusang peminista (isang kilusan ng kababaihan na nais na ituring bilang kapantay ng kalalakihan). Ang peminismo ay ang mga kilusang pampolitika at panlipunan na nagtataguyod ng pagiging kapatas o kaparis ng mga babae sa mga lalaki, at ng kanilang mga karapatan. Subalit, mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lesbiana at ng mga babaeng "tuwid" o heteroseksuwal sa loob ng kilusang peminista. Noong mga dekada ng 1960 at ng 1970, mayroon ilang mga babaeng hindi homoseksuwal (mga babaeng nagkakagusto sa mga lalaki) na nagnaisa na itiwalag ang mga lesbiana magmula sa kilusang pangkarapatan ng kababaihan. Nais nilang tanggapin ng lipunan ang peminismo. Naniwala sila na ang mga lesbiana ay hindi gaanong katanggap-tanggap sa lipunan at maaaring makapagpasama sa kilusang peminista. Sa paglaon, tinanggap ng kilusan na pangkarapatan ng mga babae ang mga kasapi nitong lesbiana. Sa ngayon, marami nang mahahalagang mga pinunong peminista ang nagpahayag na sila ay mga lesbiana.

Mga lesbiana bilang magulang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga magkakaparehang lesbiana ang may nais na magkaroon ng mga anak. Upang magkaroon ng mga anak, umaampon sila kung minsan. Subalit, mayroong ilang mga pook na hindi nagpapahintulot na makapag-ampon ng mga bata ang mga magkakaparehang homoseksuwal. Kung kaya't marami sa kanila ang may gustong maging nakapag-aampon ng mga bata.

Ilan sa mga magkakaparehang mga lesbiana ang mayroong mga anak na biyolohikal (tunay na mga anak). Upang maisagawa ito, sumasailalim sila sa proseso ng inseminasyong artipisyal. Ito ay ang paglalagay ng esperma mula sa isang lalaking tagapag-ambag sa loob ng isang babae upang makapagdalawangtao ang nasabing babae. Ilan sa mga babaeng lesbiana ang gumagawa nito sa tahanan sa piling ng isang kaibigan na nais nilang maging tagapag-ambag. Subalit, marami ang maaaring gumamit ng mga "bangko ng esperma". Ang mga ito ay mga negosyong pangmedisina na nagtutugma ng mga magkakapareha na nangangailangan ng ambag na esperma mula sa mga lalaking mag-aambag. Kung minsan, ito ay ginagawa na hindi nagpapakilala ang nag-ambag. Kung minsan naman, ginagawa ito na nakikilala ang tagapag-ambag at maaaring pinipili rin ng magkapareha.

Mga lesbiana at ang batas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi katulad ng pagtatalik na homoseksuwal na nagaganap sa pagitan ng mga lalaki, ang pagtatalik na lesbiana ay hindi labag sa batas sa maraming mga pook. Mayroong ilang mga relihiyong nagbibigay ng kaparusahan sa homoseksuwal na pagtatalik na pangkapwa mga lalaki ang hindi nagsasalita ng anuman hinggil sa pagtatalik ng mga lesbiana.[kailangan ng sanggunian] Subalit, inilarawan ni San Pablo sa Sulat sa mga taga-Roma 1:26 ang lesbianismo bilang hindi 'likas' at 'kahiya-hiya'. Maraming mga denominasyonng Kristiyano, katulad ng Katolisismo at Kumbensiyon ng Bautistang Pangkatimugan, ang tumatanaw sa lesbianismo bilang imoral subalit mayroong minorya na tumatanaw sa Kristiyanismo at lesbianismo bilang "hiyang" (magkabagay) sa isa't isa (tingnan halimbawa mula rito Naka-arkibo 2012-12-21 sa Wayback Machine.).

Sa karamihan ng mga bahagi ng mundo, ang mga lesbiana ay hindi maaaring magpakasal. Nangangahulugan ito na wala silang mga benepisyong legal at proteksiyon ng kasal. Ito ay maaring makapagdulot ng maraming mga suliranin sa mga lesbiana at mga lalaking homoseksuwal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Lesbian", Oxford English Dictionary Naka-arkibo 2006-06-25 sa Wayback Machine., Ikalawang Edisyon, 1989. Nakuha noong 7 Enero 2009.
  2. lesbian Naka-arkibo 2016-03-09 sa Wayback Machine., bansa.org