Pumunta sa nilalaman

Eskisto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Shisto)
Isang muwestra ng eskisto na pinapakita ang "makakaliskis" na katangian nito, na sanhi ng mga mika

Ang schist (bigkas: /ʃɪst/ SHIST-') o eskisto (kung hihiramin ang salitang Kastila: esquisto) ay isang katamtamang-gradong metamorpikong bato[1] na may katamtaman hanggang malaking butil na makinis at mala-papel na tila magkahilera. Binubuo ito ng 50% ng pahabang mineral,[2] kadalasang pinapagitnaan ng mga mineral na kwarts at peldespato.[3] Binubuo ang mga pahabang mineral na ito ng mga mika, klorita, talko, ornablenda, grapayt, at iba pa. Ang kwarts ay kadalasang namumuo ng kumpul-kumpol na butil, kung saan nabubuo ang eskistong kwarts. Namumuo ang eskisto sa mas mataas na temperatura at may mas malalaking mga butil kung ikukumpara sa pilayt.[4] Tinatawag na pagka-eskisto (Ingles: schistosity) ang heolohikal na foliation (o ang metamorpikong ayos ng mga patong) na may katamtaman hanggang malaking mga butil ng taliptip ng mineral na nakaayos sa isang mala-papel na pag-aangkop.[4]

Ang ngalan ng iba't ibang mga uri ng eskisto ay galing sa mineral na bumubuo sa karamihan ng mga bato. Bilang halimbawa, tinatawag na eskistong mika ang mga eskisto na karamihang binubuo ng mineral na mika, gaya ng muskobita at biotita. Eskistong mika ang karamihan sa mga eskisto, ngunit madalas ding nakikita ang mga eskistong grapayt at klorita. Pinapangalanan din ang mga base ng eskisto ayon sa kakaibang komposisyon ng mga mineral na bumubuo rito, gaya ng eskistong granate, eskistong turmalin, at eskistong glawkopano.

Nakikita nang walang natatanging instrumento ang mga indibiduwal na butil ng mineral, nakaukit ang mga ito sa mala-kaliskis na tekstura ng bato, dahil sa init at presyon. Ang eskisto ay naka-foliate, ibig sabihin nito, ay madaling matuklap ang mga butil nito. Nanggaling ang salitang schist sa salitang Griyego na schizen, na ang ibig sabihin ay paghati, dahil madaling mahati ang eskisto, at mahahati ito sa isang patag na magkakahilera ang mga pahabang mineral.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Schist definition". Dictionary of Geology (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Jackson J.A., Mehl J.P. & Neuendorf K.K.E. (2005). Glossary of Geology (sa wikang Ingles). Springer. p. 577. ISBN 9780922152766.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bishop A.C., Woolley A.R. & Hamilton W.R. (1999). Cambridge Guide to Minerals, Rocks and Fossils (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 153. ISBN 9780521778817.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Essentials of Geology, 3rd Ed, Stephen Marshak (sa Ingles)