Pumunta sa nilalaman

Pašticada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pašticada

Ang Pastikada, o Pašticada sa orihinal na pagbabaybay, ay isang tanyag na lutuin ng karne sa Kroasya na nilaga o pinakuluan na niluto sa natatanging sarsa. Malimit itong tinatawag na Dalmatinska pašticada dahil nagmula ito sa Dalmatia. Nangangailangan ito ng matagal at madiwara o mabusising paghahanda, na kinabibilangan ng pagbababad ng malalaking hiwa ng karne[1] sa suka, limon, at dumero o ramero (rosa-maria) bago iluto (hindi bababa sa 24 mga oras). Iniluluto ang ibinabad na karne na may mga karot, klabo de olor o girople (Syzygium aromaticum, singkahulugan ng Eugenia caryophyllata), maskada, pulang alak, at prosciutto na hiniwa o inatado na hugis kubiko ang bawat piraso, sa loob ng dalawang mga oras, depende sa dami ng karne. Paminsan-minsan din itong hinahaluan ng mga pruno.[1] Sa Kroasya, isang itong pagkaing inihahanda sa mahahalagang mga kapistahan, kasama ang mga kasalan at Mardi Gras. Karaniwan itong isinisilbing may gnocchi o maluwang na mga luglog. May pagkakahawig ito sa daube provençale, bagaman hindi malinaw kung pareho sila ng pinagmulan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Pašticada," The Flavours of Croatia, Croatia, Eyewitness Travel, DK, London/Bagong York, 2005/2007, pahina 237, ISBN 978-0-7566-2633-4

Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.