Dugo
Ang dugo ay isang natatanging pluwido biyolohikal na kinalalamnan ng selula ng pulang dugo (Ingles: red blood cell o RBC o erythrocyte), ng selula ng puting dugo (Ingles: leukocyte) at ng platito (Ingles: thrombocyte o platelet) na nakalutang sa masalimuot na pluwido kilala sa tawag na plasma ng dugo. Ang plasma ang likidong bahagi ng dugo, kung saan nakalutang ang mga selula ng dugo. Binubuo nito ang may 55 bahagdan ng kabuuang bulumen ng dugo.
Ang mga selula ng pulang dugo ang may pinakamaraming bilang. Naglalaman ito ng hemoglobin na siyang nagbibigay ng pulang kulay sa kaniyang sarili. Ang bahaging heme ng hemoglobin, naglalaman ng yero, ang nag-uudyok sa pagdadala ng oksiheno at karbong dioksido na kapwa sadyang patungo sa hemoglobin sa pamamagitan ng mapiling pagbigkis sa mga hanging ito at sadyang nagpapataas ng pagkakatunaw nila sa dugo. Tumutulong ang mga selula ng puting dugo sa pagsasanggalang ng mga impeksiyon, at mahalaga ang mga platito sa pagpapatuyo ng dugo.
Dinadala ang dugo sa palibot ng katawan sa pamamagitan ng mga sisidlan ng mga dugo dahil sa pagbobomba ng puso. Ibinubuga ang dugo mula sa malakas na kaliwang bentrikulo ng puso sa pamamagitan ng mga malalaking ugat patungo sa mga panlabas na tisyu at nagbabalik sa kanang atrium ng puso sa pamamagitan ng mga maliliit na ugat na pambaga. Papasok naman ngayon ang dugo sa kanang bentrikulo at padadaluyin papasok sa kaliwang bentrikulo upang mapaikot muli. Ang dugong arteryal ang siyang nagdadala ng oksihendo mula sa nalanghap na hangin sa loob ng mga baga patungo sa lahat ng mga selula ng katawan, samantalang ang dugo mula sa mga bena ang may dala ng karbong dioksido (na nalikha bilang mga produktong dumi ng metabolismo ng mga selula) patungo sa mga baga para ibuga palabas.
Karaniwan, sa wikang Ingles ng Estados Unidos, na ang mga salitang may kaugnayan sa dugo ay nagsisimula sa hemo- o hemato- (nasusulat sa wikang Ingles ng Dakilang Britanya bilang: haemo- at haemato-), at mula sa salitang haima ng wikang Griyego, na ang kahulugan ay "dugo". Sa larangan ng anatomiya, ang dugo ay itinuturing na isang tisyung pang-ugpong dahil kapwa sa pinagmulan nito sa loob ng buto at maging sa kaniyang tungkulin.
Sa relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumilitaw ang salitang dugo sa mahigit sa 350 iba't ibang mga taludtod na nasa pahina ng Bibliya. Lumilitaw rin ito ng mahigit sa 400 ulit sa kabuoang bilang.[1]
Sa pananampalataya, nagsisilbing sagisag ang dugo at kumakatawan sa buhay ng isang nilalang. Ang dugo ang pinakagkukunan ng sigla ng isang nilikha.[2] Kaugnay nito, ayon sa paliwanag ni Jose Abriol, noong unang panahon ang dugo ay itinuturing na sagisag at luklukan ng buhay, at ang Diyos lamang ang Panginoon ng buhay kaya't ang sinumang kumitil ng buhay ay hihingan ng sulit o katumbas ng Diyos; ito ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang pagkain ng laman na may kasama o bahid ng dugo. Katulad ng nababanggit sa Henesis 9:4 (Lamang ay huwag kayong kakain ng lamang may buhay, alalaong baga, ng dugo.) at Lebitiko 17, 11 (... ang dugo... ang pinakaluklukan ng buhay...).[3]
Kumakatawan ang dugo sa dalawang mga payak na bahagi ng paniniwalang Hudyo: una, sa sakripisyo at pangalawa, sa buhay. Sa tradisyon ng Hudaismo, sinaunang paraan ng pagbabayad-sala ang pag-aalay ng dugo ng inihahaing mga hayop. Sa Kristiyanismo, itinuturong mamamatay ang pisikal na katawan ng tao kung walang dugo, at mamamatay rin ang espiritu kung wala ang grasya ng dugo ni Hesus.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Paliwanag na nasa The Body and Blood of Christ. (Hebrews 9:11-15), Sunday, June 14, Meditations, June 2009, The Word Among Us, Daily Meditations for Catholics, pahina 34.
- ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Blood, Dictionary/Concordance, pahina B1". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Dugo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 21 at 175.