Pagtataguyod ng kagubatan
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Oktubre 2008) |
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Oktubre 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Pagtataguyod ng kagubatan (reforestation project)Isang proyektong pangkapaligiran at pangkalikasan na naglalayon na muling maitaguyod ang mga halaman sa kapaligiran at sa mga kabundukan.Ang kapaligirang may luntiang mga halaman ay siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao.Siya rin ang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito.Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang "buffer system" sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig,di lang ito naglilinis ng hangin,lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang.Ang buffer system ay panimbang sa lahat ng kalabisan tulad ng init at polusyon.Ang global warming o pag init ng buong daigdig ay isang malinaw na hudyat upang isagawa ang reforestation o pagtataguyod ng kagubatan.Ang baitang ng kaparaanan nito ay dapat kilalanin upang matugunan ang inaasahang pananagumpay sa proyectong ito.Kung papaanong unti unting pinutol ang mga punong kahoy mula sa malalaki at matatayog,sinundan ng mabababa, ang paraan ng pagtatanim ay dapat dumaan sa padahan dahang paraan.Unahin munang iwasto ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang/kondisyong angkop sa mga itatanim na mga halaman.Ang paglalagay ng shade plants o panganlong ay mahalaga upang ang isusunod na principal seedlings o pangunahing mga punla ay madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan.Isang halimbawa ng shade plant/panganlong ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.Dahil dito ang isusunod na itatanim na mga pangunahing punla ay mapapaboran sa pamamaraang ito.Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay.Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa perpetuation o pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.