Roger Federer
Bansa | Switzerland | |
Tahanan | Oberwil, Switzerland | |
Kapanganakan | 8 Agosto 1981 | |
Pook na sinalangan | Basel, Switzerland | |
Taas | 1.86 m (6 ft 1 in) | |
Timbang | 88.0 kg (194.0 lb; 13.86 st) | |
Naging dalubhasa | 1998 | |
Mga laro | {{{plays}}} | |
Halaga ng premyong panlarangan | $40,979,981 | |
Isahan | ||
Talang panlarangan: | 588–142 | |
Titulong panlarangan: | 55 | |
Pinakamataas na ranggo: | Blg. 1 (Pebrero 2, 2004) | |
Resulta sa Grand Slam | ||
Australian Open | W (2004, 2006, 2007) | |
French Open | W (2009) | |
Wimbledon | W (2003, 2004, 2005, 2006, 2007, 2009) | |
US Open | W (2004, 2005, 2006, 2007) | |
Dalawahan | ||
Talang panlarangan: | 105–70 | |
Titulong panlarangan: | 7 | |
Pinakamataas na ranggo: | Blg. 24 (Hunyo 9, 2003) | |
Huling binago ang kahong-pangkabatirang ito noong: Hunyo 16, 2008. |
Si Roger Federer (bigkas: /ˈrɒdʒə ˈfɛdərər/[1]; isinilang Agosto 8, 1981) ay isang dating dalubhasang manlalaro ng tenis mula sa Switzerland, na nakahanay bilang una sa daigdig mula Pebrero 2, 2004, sa nakatalang 231 magkakasunod na linggo.[2]
Sa unang pagkakataon, natalo siya ni Rafael Nadal ng España sa kampeonatong pang-2008 sa Wimbledon, Inglatera.[3]
Dalawampung Paligsahang Grand Slam ang napanalunan ni Federer. Kasama sa mga Paligsahang Grand Slam na napanaluhan niya ay ang Australian Open, Roland Garros (French Open), Wimbledon, at U.S Open. Isa rin siya sa tatlong manlalaro (kasama sina Agassi at Nadal) na nagwagi ng Grand Slam sa tatlong iba't ibang rabaw (Luad, Damo, at Hard court). Siya lamang ang natatanging manlalaro na nakalahok sa finals ng lahat ng Paligsahang Grand Slam na hindi bababa sa limang beses. Itinuturing pinakamagaling na manlalaro ng tenis si Federer ng karamihan sa mga sports analysts, tennis critics, at dating mga manlalaro.
Si Federer ay nakasali na sa 23 career Grand Slam Finals, 10 dito ay sunod-sunod, at 18 sa 19 na finals sa pagitan ng apat at kalahating taon magmula 2005 sa Wimbledon Championships hanggang 2010 Australian Open, hindi kasama ang 2008 Australian Open. Hawak niya ang record ng pagkakarating sa semifinals o mas mabuti pa sa 23 magkakasunod na Paligsahang Grand Slam sa pagitan ng lima at kalahating taon mula 2004 Wimbledon Championships hanggang sa 2010 Australian Open. Sa 2011 French Open, nakamit niya ang kanyang pang-28 sunod na quarterfinal sa Paligsahang Grand Slam. Sa pagkakataong ito, nalampasan niya ang dating record na naitalaga ni Jimmy Connors.
Nanalo na si Federer ng record na limang ATP Tour Finals at 17 Paligsahang ATP Masters Series. Nanalo na rin siya ng Gintong medalya sa Olympics sa larong doubles kasama ang kapwa Swiss na si Stanilas Wawrinka noong 2008 sa Beijing. Mula 2003 hanggang 2010, si Federer ay parating nasa nangungunang dalawa sa rankings ng katapusan ng taon.
Bilang kalalabasan ng tagumpay ni Federer sa tennis, pinangalanan siyang Laureus World Sportsman of the Year ng apat na sunod-sunod na taon magmula't taong 2005 hanggang 2008. Kilala siya bilang Federer Express o Fed Express, Ang Swiss Maestro, o Maestro. Noong 2011, si Federer ay pang-25 sa Forbes Celebrity 100 List.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Si Federer hinggil sa pagbikas na pangalan niya Naka-arkibo 2008-06-12 sa Wayback Machine..
- ↑ CNN (2007). "Federer sets record as number one" (sa wikang Ingles). CNN.
{{cite web}}
:|author=
has generic name (tulong); Unknown parameter|accessmonthday=
ignored (tulong); Unknown parameter|accessyear=
ignored (|access-date=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nadal outlasts Federer in epic to claim first Wimbledon title, SportsIllustrated.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-09. Nakuha noong 2008-07-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.