Pumunta sa nilalaman

Tshikapa

Mga koordinado: 6°25′S 20°48′E / 6.417°S 20.800°E / -6.417; 20.800
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tshikapa
Lungsod at panlalawigang kabisera
Tshikapa is located in Democratic Republic of the Congo
Tshikapa
Tshikapa
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 6°25′S 20°48′E / 6.417°S 20.800°E / -6.417; 20.800
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganKasaï
Taas
485 m (1,591 tal)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan587,548
Sona ng orasUTC+2 (Oras ng Lubumbashi)
KlimaAw

Ang Tshikapa ay ang kabisera ng Lalawigan ng Kasaï sa Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito sa layong mga 40 milya hilaga ng hangganan ng Angola at 120 milya kanluran ng Kananga sa tagpuan ng mga Ilog Tshikapa at Kasaï. Ayon sa mga ulat na inilathala ng aklatan ng Unibersidad ng Utrecht, lumaki ang populasyon ng lungsod mula 38,900 katao noong 1970 sa 180,900 katao noong 1994. Ngunit ang dalawang kamakailang mga digmaang Congo ay nagdulot ng malaking pagdagsa sa populasyon kaya hindi maaasahan ang mga kasalukuyang numero.

Ang Tshikapa ay naging sityo ng pagmimina ng diyamante mula nang itinatag ito noong unang bahagi ng ika-20 dantaon. Itinatag ito ni Forminière, isang Amerikano/Behikanong samahan sa pagmimina na nakatuklas ng mga diyamante malapit sa kinaroroonan nito noong unang bahagi ng dekada-1900.1 Sa labas ng Irak nang kasunod ng digmaan, ang Tshikapa ay pinakamakapal na pinagkukunan ng mga satelayt na komunikasyong telepono sa mundo dahil sa paggamit ng mga minahen ng diyamante.

Pinaglilingkuran ng Paliparan ng Tshikapa IATA: TSHICAO: FZUK ang lungsod. Pangunahing ikinabubuhay sa lungsod ang industriya ng diyamante. Sa kabila nito, lubhang mahirap ang lungsod at walang mga daang nakapatag.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Baker, Aryn (7 Setyembre 2015). "Blood Diamonds". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-08-29. Nakuha noong 13 Setyembre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

1. p.246 An African Adventure by Isaac F. Marcosson, Curtis Publishing Company, 1921

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

6°25′S 20°48′E / 6.417°S 20.800°E / -6.417; 20.800