Pumunta sa nilalaman

Yogur

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yogur na nasa mangkok na nilagyan ng prutas sa ibabaw

Ang yogur[a] o yogurt mula sa Turkong Otomano: یوغورت‎, romanisado: yoğurt,[b] binabaybay din sa Ingles bilang yoghurt, yogourt o yoghourt) ay isang pagkain gawa sa binurong gatas.[1] Ang bakterya dulot ng pagbuburo ng yogur ay kilala bilang mga kolonya ng yogur (o yogurt culture). Ang pagbuburo ng mga asukal sa mga gatas ng mga bakteryang ito ay nakakagawa ng asido laktiko, na umaakto sa protina ng gatas upang bigyan ang yogur ng kanyang kayarian at maasim na lasa.[1] Pinakakaraniwan ang gatas ng baka sa paggawa ng yogur. Ginagamit din ang mga gatas mula sa kalabaw, kambing, obeha, jegwa o babaeng kabayo, kamelyo, at yak para makagawa ng yogur. Maari ang gatas na ginamit na may homohenesasyon o wala. Maaring pasteurisado o sariwa. Nagdudulot ang bawat uri ng gatas ng iba't ibang resulta.

Ginagawa ang yogur gamit ang kolonya ng Lactobacillus delbrueckii subesp. bulgaricus at Streptococcus thermophilus na bakterya. Dinagdag din minsan ang mga lactobacillus at bifidobacteria habang o pagkatapos ng pagkolonya ng yogur. May ilang bansa ang nagbibigay panangangailangan sa yogur na naglalaman ng isang tiyak na halaga ng mga colony-forming unit (CFU, yunit ng pagbuo ng kolonya) ng bakterya; sa Tsina, halimbawa, ang pangangailangan para bilang ng bakteryang lactobacillus ay hindi bababa sa 1 milyong CFU bawat milimetro.[2]

Hinahalo ang kolonya ng bakterya, at pinapanatili ang isang mainit-init na temperatura na 30–45 °C (86–113 °F) sa loob ng 4 hanggang 12 oras upang pahintulutan ang pagburo na maganap, na mas mabilis sa mas mataas na temperatura subalit may panganib na bukol-bukol ang itsura o naghiwalay na lagnaw.[3][4]

  1. Hango mula sa salitang Kastila na yogur
  2. Otomanong bigkas: [joˈɣurt], makabagong Turkong bigkas: [joˈuɾt], kolokyal na modernong bigkas: [joːɾt]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Yogurt: from Part 131 – Milk and Cream. Subpart B – Requirements for Specific Standardized Milk and Cream, Sec. 131.200" (sa wikang Ingles). Code of Federal Regulations, Title 21, US Food and Drug Administration. 1 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lee YK, atbp. (2012). "Probiotic Regulation in Asian Countries". Sa Lahtinen S, atbp. (mga pat.). Lactic Acid Bacteria: Microbiological and Functional Aspects (sa wikang Ingles) (ika-Ikaapat na (na) edisyon). Boca Raton: CRC Press. p. 712. ISBN 9780824753320.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Clark M. "Creamy Homemade Yogurt Recipe". NYT Cooking (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Science of Great Yogurt" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)