Ang browser kung saan ikaw ang inuuna
I-block ang mga ad. Makatipid sa data. At makakuha nang mas mabilis na mga webpage. Sa pamamagitan lang ng pagpalit ng browser mo.
Kunin ang BravePribadong search
Mas mahusay na mga resulta, mas kaunting SEO spam, at zero profiling.
Built-in na AI assistant
Makakuha ng mga sagot, gumawa ng content, at marami pa. Sa mismong browser.
Malakas na VPN
Protektahan ang bawat app, sa buong device mo.
Ano ba ang itsura ng user-first na Web?
Mas magandang privacy. Mas mabibilis na webpage. Mas madaling pag-navigate. At karanasang mas nagpapahalaga sa tao kaysa sa kita ng kumpanya ng tech.
Ang “Web” na walang abala
Bina-block ng Brave ang mga third-party ad sa bawat website. Iyon ay, mga video ad, search ad, social media ad, at marami pa.
Pati na ang mga nakakaabalang pop-up na “Makatanggap ng mga cookie?” Oo, bina-block din namin ang mga ito.
Makatipid sa data, makatipid sa baterya, at makatipid sa oras
Kung wala ang di-kailangang basura, nakakatipid ka sa bandwidth ng WiFi at mobile data, buhay ng baterya at CPU. At 3-6 na beses na mas mabilis mag-load ang mga website. Mas kaunting paghihintay = mas maraming oras pabalik sa araw mo.
Walang kapantay na privacy
Bina-block ng Brave Shields, ang tracking at fingerprinting. Ine-encrypt ng premium VPN ng Brave ang bawat koneksyon kahit saan ka man naroroon. Lahat ng ito (at marami pa) sa isang sobrang daling package.
Built-in na security, nak-on bilang default
Gumagana ang Brave mula mismo sa box. Walang kailangang gawin, walang extension, at di kailangan ng PhD.
Madali lang lumipat
Ang isang mas mabilis, mas pribadong, at hindi ganoong nakakaabalang Web ay 60 segundo lang ang layo.
I-download lang ang Brave, mag-import ng mga paborito mula sa lumang browser mo, at… Tapos ka na!
Isang Web na may mas kaunting ad
Tingnan ang iba pang sikat na mga site sa Brave kumpara sa ibang mga browser. Nakikita mo ba ang pagkakaiba?
I-grab ang slider para makita ang pagkakaiba sa pagitan ng Brave at iba pang mga browser
Nananalo sa privacy, pagganap, at mga feature
Tingnan kung paano ikukumpara ang Brave laban sa ibang browser gamit ang mga in-depth na pagkukumparang ito.
Brave kumpara sa Chrome
Pagdating sa privacy at pagganap, nahuhuli ang Chrome kumpara sa Brave.
Brave kumpara sa Edge
Ang isinunod ng Microsoft sa Explorer ay mabagal, puno ng ad, at bangungot pagdating sa privacy.
Brave kumpara sa Firefox
Dating madalas gamitin, bumagsak ang Firefox sa gitna ng grupo bilang alternatibo sa Big Tech.
Brave kumpara sa Safari
Sa kabila ng pinakamahusay na pagsisikap ng Apple, hindi pa rin matapatan ng Safari ang privacy ng Brave.
Ang browser na tumutulong sa iyong makatipid sa oras, at hindi sa data
I-download ang Brave para sa Android, iOS, Linux, macOS, o Windows
Kunin ang BraveHayaang paganahin ng Brave ang negosyo mo:
Mga FAQ
Ligtas ba ang Brave Browser?
Ang Brave ay isa sa pinakaligtas na browser sa merkado ngayon. Bina-block nito ang mga privacy-invasive na mga ad at tracker. Bina-block nito ang third-party na data storage. Pinoprotektahan ito mula sa fingerprinting ng browser. Ina-upgrade nito ang bawat webpage hangga’t maaari para maka-secure ng mga https na koneksyon. At ginagawa ito bilang default.
Ginawa rin ito mula sa open-source na Chromium Web core, na nagpapagana sa mga browser na ginagamit ng bilyong-bilyong tao sa buong mundo. Sinuri ang source code na ito ng mas maraming security researcher kaysa sa kahit na anong browser. Sa madaling salita, hindi lang ligtas gamitin ang Brave, mas ligtas ito kaysa sa kahit na ano pang ibang browser. Matuto pa.
Paano ko ida-download at ii-install ang Brave?
Available ang Brave sa halos lahat ng desktop computer (Windows, macOS, Linux) at halos lahat ng mobile device (Android at iOS). Para magsimula, i-download lang ang Brave browser para sa desktop, para sa Android, o para sa iOS.
May VPN ba ang Brave?
Oo! Pinoprotektahan ng Brave Firewall + VPN ang lahat ng ginagawa mo online, sa buong device mo, at kahit sa labas ng Brave Browser. Sasaklawin ng isang subscription ang hanggang 5 na mga device, sa buong Android, iOS, at desktop.
Sa anong mga wika available ang Brave?
Available ang Brave Browser sa halos 160 wika sa kabuuan, kasama ang apat na iba’t ibang dialect sa Chinese. Kasalukuyang available ang Brave Search sa halos 20 iba’t ibang wika, na may kasamang support sa higit pang wika sa hinaharap.
Sino ang may-ari ng Brave?
Ang Brave Browser, Brave Search, at lahat ng kanilang iba’t ibang feature ay gawa ng Brave Software Inc, isang indepyendente at pribadong kumpanya. Hindi nakapailalim ang Brave sa kahit na anong ibang kumpanya ng tech, at nagtatrabaho araw-araw para labanan ang pang-aabuso ng Big Tech sa privacy. Umiiral ang Brave para tulungan ang mga tunay na tao, at hindi ang isang walang pagkakakilanlang kumpanya ng tech.
Open source ba ang Brave?
Oo. Ang Brave Browser ay ginawa batay sa open-source na Chromium web core at ang aming sariling client code ay ni-release sa ilalim ng Mozilla Public License 2.0.
Paano naiiba ang Brave sa Chrome?
Sa madaling salita, ang Brave Browser ay 3x na mas mabilis kaysa Google Chrome. Sa pamamagitan ng pag-block sa mga privacy-invading ad at tracker bilang default, may mas kaunting bagay na ilo-load sa bawat webpage na binibisita ko. Ibig sabihin, mas mabilis maglo-load ang mga page, na nagtitipid sa oras, pera, at buhay ng baterya mo. Ibig rin sabihin, mas ligtas ka online. Matuto pa.
Libre ba ang Brave?
Oo, ganap na walang bayad para gamitin ang Brave. I-download lang ang Brave browser para sa desktop, para sa Android, or for iOS para makapagsimula. Puwede mo ring gamitin nang libre ang Brave Search mula sa kahit na anong browser sa search.brave.com, o itakda ito bilang default search engine.
Mayroon ding magagandang subscription-based na mga feature ang Brave tulad ng Brave Talk Premium at Brave Firewall + VPN.
Ano ang BAT, at paano ako kikita nito?
Ang BAT ay daglat para sa Basic Attention Token. Ang BAT ay isang crypto asset, at isang mahalaga (pero ganap na opsyonal) na bahagi ng Brave Rewards ecosystem. Narito kung paano ito gumagana: I-view Binibigyan ka ng Brave Rewards ng opsyong mapanood ang mga first-party, privacy-protecting ad habang nagba-browse (ang mga ad na ito ay mula sa network ng Brave Private Ads). Kung pinili mong panoorin ang mga ito, puwede kang magkaroon ng BAT, sa pamamagitan ng the Brave Rewards program.
Puwede mong ipunin ang BAT tulad ng kahit na anong crypto asset, o para gamitin ito para magbigay ng tip sa mga content publisher na gusto mo. Binibigyan ka rin ng Brave ng secure na paraan para mag-imbak ng BAT (at kahit na anong pang ibang crypto asset), gamit ang Brave Wallet. At, muli, ang Brave Rewards ay isang ganap na opsyonal na programa.
Ninanakaw ng ibang tech company ang data mo para magbenta ng mga ad—sa kanila, ikaw ang produkto. Iba ang Brave. Sa palagay namin, mahalaga (at pribado!) ang iyong atensyon, at kailangan mong makatanggap ng patas na bahagi ng kita para sa kahit na anong advertising na gusto mong makita. Ang patas na bahaging iyon ay ibinibigay sa BAT.