Pumunta sa nilalaman

Dominica

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dominika)
Sampamahalaan ng Dominika
Commonwealth of Dominica (Ingles)
Watawat ng Dominika
Watawat
Eskudo ng Dominika
Eskudo
Salawikain: Apres Bondie C’est La Ter
"Pagkatapos ng Diyos ay Ang Daigdigan"
Awiting Pambansa: Isle of Beauty, Isle of Splendour
"Isla ng Ganda, Isla ng Dilag"
Location of Dominika
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Roseau
15°18′N 61°23′W / 15.300°N 61.383°W / 15.300; -61.383
Relihiyon
(2020)
KatawaganDominikano
PamahalaanUnitaryong dominant-party parliamentary republic
• Pangulo
Sylvanie Burton
Roosevelt Skerrit
LehislaturaKapulungan ng Asembleya
Independence 
1 March 1967
• Sovereignty and constitution
3 November 1978
Lawak
• Kabuuan
750 km2 (290 mi kuw) (174th)
• Katubigan (%)
1.6
Populasyon
• Pagtataya sa 2021
72,412 [2][3] (186th)
• Senso ng 2011
72,000[4]
• Densidad
105/km2 (271.9/mi kuw) (95th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1 billion[5]
• Bawat kapita
Increase $14,348[5]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $697 million[5]
• Bawat kapita
Increase $9,356[5]
TKP (2019)Increase 0.742[6]
mataas · 94th
SalapiEast Caribbean dollar (XCD)
Sona ng orasUTC–4 (AST)
Gilid ng pagmamaneholeft
Kodigong pantelepono+1-767
Internet TLD.dm

Ang Dominica (pagbigkas: do•mi•ní•kä; Pranses: Dominique; Island Carib: Wai‘tu kubuli), opisyal na tinatawag na Komonwelt ng Dominica, ay isang malayang pulong bansa. Ang kabesera, Roseau, ay matatagpuan sa gilid na leeward ng pulo. Ito ay bahagi ng mga pulong Windward sa kapuluang Lesser Antilles ng Dagat Caribbean. Ang pulo ay matatagpuan sa timog-timog-silangan ng Guadeloupe at sa hilagang-kanluran ng Martinique. Ito ay may lawak na 750 square kilometre (290 mi kuw) at ang pinakamataas na tuktok ay Morne Diablotins, sa may taas na 1,447 metro (4,747 tal)tamapakan). Ang populasyon ay 72,301 sa senso noong 2014.

Ang pulo ay orihinal na pinaninirahan ng mga Kalinago at kalaunan ay sinakop ng mga Europeo, karamihan nitó ay mga Pranses, na dumating sa pulo sa araw ng Linggo, 3 Nobyembre 1493 ("Linggo" = "Dominica" sa Latin). Pumalit sa kapangyarihan ang Gran Britanya noong 1763 matapos ang Pitong Taong Digmaan at unti-unting itinatag ang Ingles bílang opisyal na wika. Ang pulong republika ay nagkamit ng pagsasarili noong 1978.

Ang pangalan nito ay binibigkas nang may diin sa ikatlong pantig, kaugnay sa pangalang Pranses nitó na Dominique. Ang Dominica ay pinalayawang "Nature Isle of the Caribbean" dahil sa hindi pa nababahirang likás na kagandahan.[7] Ito ay pinakabatang pulo sa Lesser Antilles, na patuloy na binubuo ng mga aktibidad na geothermal-volcanic, na pinapatototo ng pangalawang-pinakamalaking hot spring sa mundo, ang Boiling Lake ("kumukulong lawa"). Ang pulo ay may luntiang mabundok na kagubatan, at tahanan ng maraming bihirang species ng halaman, hayop, at ibon. Mayroong lugar na xeric sa ilang bayabaying rehiyon sa kanluran, ngunit mabigat ang pag-ulan ang nangyayari sa loob ng bansa. Ang Sisserou parrot (isang uri ng loro), na kilala rin bilang imperial amazon at matatagpuan lámang sa Dominica, ay pambansang ibon at itinatampok sa pambansang bandila. Ang ekonomiya ay nakasalalay sa turismo at agrikultura.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Religions in Dominica | PEW-GRF".
  2. "World Population Prospects 2022". population.un.org. United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong 17 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "World Population Prospects 2022: Demographic indicators by region, subregion and country, annually for 1950-2100" [World Population Prospects 2022: Mga panukoy pang-demograpiko batay sa rehiyon, subrehiyon, at bansa, taunan mula 1950-2100] (XSLX). population.un.org ("Kabuuang populasyon, tumpak noong ika-1 ng Hulyo (libo)") (sa wikang Ingles). United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong Hulyo 17, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "2011 POPULATION AND HOUSING CENSUS" (PDF). Dominica.gov.dm. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 8 Hunyo 2019. Nakuha noong 29 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "World Economic Outlook October 2023 (Dominica)". International Monetary Fund. Oktubre 2023. Nakuha noong 13 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Human Development Report 2020 The Next Frontier: Human Development and the Anthropocene (PDF). United Nations Development Programme. 15 Disyembre 2020. pp. 343–346. ISBN 978-92-1-126442-5. Nakuha noong 16 Disyembre 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. P. C. Evans & L. Honychurch, Dominica: Nature Island of the Caribbean.


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.