Pumunta sa nilalaman

Animax

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Animax
アニマックス
UriPampubliko
IndustriyaPagpapalabas ng mga Anime sa telebisyon at pamproduksiyon
Itinatag20 Mayo 1998 [1]
Punong-tanggapanMinato, Tokyo, Hapon [1]
Pangunahing tauhan
Masao Takiyama, Pangulo & Representateng Direktor [1]
MagulangSony Corporation
WebsiteAnimax International
Paghahati ng Animax noong Enero 2009.

Ang Animax (アニマックス, Animakkusu), o ang, Animax Broadcast Japan Inc. (株式会社アニマックスブロードキャスト・ジャパン, Kabushiki-gaisha Animakkusu Burōdokyasuto Japan), ay isang Hapones na estasyong telebisyong satelayt na nagpapalabas ng mga anime[1] na kung saan ay itinatag at pagmamay-ari ng Sony Corporation. Nakabase ito sa New Pier Takeshiba North Tower (ニューピア竹芝ノースタワー, Nyū Pia Takeshiba Nōsu Tawā) sa Minato, Tokyo, Hapon. Binubuo ito ng mga kompanya tulad ng Sony Pictures Entertainment, Sunrise Inc.[1][2], Toei Animation Inc.[3][4], TMS Entertainment Inc., at Nihon Ad Systems Inc[5][6].

Ito rin ay nagpapalabas ng mga anime sa labas ng Hapon tulas ng mga bansang Taiwan, India, Pakistan, Timog Korea, Timog Silangang Asya, Hong Kong, Latinong Amerika (pinalitan nito ang Locomotion) at ang pinakabagong tatag ay sa Europa (binuksan ito sa Germany, Romania, Hungary, Czech Republic noong 2007 (pinalitan nito ang Anime+ sa Romania, Hungary, at Czech Republic), Slovakia (pinalitan ang Anime+), Spain at Portugal (parehang binuksan sa kapatid na estasyon nitong AXN) noong 2008, at bubuksan na rin ito sa United Kingdom, Poland (itinigil panandalian), Italy, France at ilan pang bansa),[7][8] Africa at Australia (kasalukuyang nasa dalawang oras na lugar sa Sci Fi Channel, na kung saan ay pagmamay-ari rin ng pinagmulan ng Animax, ang Sony Pictures Entertainment). Ang Animax ay ang una at pinakamalaking network na nagpapalabas ng mga palabas na anime sa loob ng 24 oras,[6][9] na may manonood na 89 milyong katao, 62 bansa at humigit kumulang 17 wika.[10]. Subalit, hindi malaman ang dahilan kung bakit itinigil ang Animax sa Vietnam.

Ang pamagat nito ay isang portmanteau (pinagsamang mga salita) ng mga salitang anime (アニメ) at max (マックス, makkusu).[11]

Logo ng Animax sa Hapon, na ginamit mula nang itatag ito noong 2006.
Kasalukuyang logo ng Animax sa Hapon, na ginamit mula 2006 at kasalukuyang ginagamit pa rin sa ilang rehiyon.

Itinatag noong 20 Mayo 1998 ng Sony, Ito ay orihinaliyang nai-premiere sa bansang Hapon noong Hunyo 1 ng taong din iyon sa SKY PerfecTV satelayt telebisyong platform.[1] Nakabase sa Minato, Tokyo, Japan, at pinamumunuan ni Masao Takiyama, ang mga shareholder nito ay Sony Pictures Entertainment, Sunrise Inc.[2], Toei Animation Inc.[3][4], TMS Entertainment Inc., at Nihon Ad Systems Inc[5][6].

Ang Animax ay nagpapakita ng magandang samahan sa anime pioneer na Tezuka Productions company na pagmamay-ari ni Osamu Tezuka, Pierrot, Nippon Animation, at iba pa. May kinalaman din ito sa produksiyon ng ilang anime series tulad ng Ghost in the Shell: Stand Alone Complex[12], Ultra Maniac, Astro Boy, Hungry Heart: Wild Striker, Aishiteruze Baby, Shakugan no Shana, at marami pang iba.

Nago-organize din ang Animax ng ilang mga salu-salong may kinalaman sa anime sa Japan, tulad ng Animax Taishō, isang taunang scriptwriting na kompetisyon na inaalok ng Animax simula pa noong 2002 para parangalan ang mga pinakamagandang orihinal na anime script at kuwento ng taon. Ang mga nanalo kamakailan lang ay ang: pang-apat, nanalo noong 2005, Lily to Kaeru to (Ototo)[13], gawa ng Toei Animation, pangatlo, nanalo noong 2004, Hotori ~ Tada Saiwai wo Koinegau, gawa ng Sunrise, pangalawa, nanalo noong 2003, Azusa, Otetsudai Shimasu! , produced by TMS Entertainment, and the first, winner in 2002, Super Kuma-san, gawa ng by Toei Animation.[14]

Kasalukuyang logo ng Animax sa Timog Silangang Asya.

Ang Animax ay nag-premiere sa Taiwan noong 1 Enero 2004, at sa Hong Kong noong 12 Enero 2004, na nag-feature ng anime programming sa ibang network at feeds sa bawat rehiyon at wika. Nagsimula ito ng operasyon nito sa buong Timog-Silangang Asia noong 19 Enero 2004, na nagpalabas ng programang Ingles ang salita, Hapon ang salita na may Ingles na subtitle, at iba pang wika kada rehiyon. Noong 5 Hulyo 2004, Nagsimula ang Animax ng operasyon sa Timog Asya, sa buong sabkontinente ng India, na nagpalabas ng programang Ingles ang wika. Noong 29 Abril 2006, Nagsimula na rin ng operasyon ang Animax sa Korea, na may sariling programming feed sa wikang korean[15]. Noong 31 Agosto 2006, Pormal na inilunsad ang Animax sa Malaysia.[16]

Hilagang Amerika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok ang Animax sa ilang salu-salong ma kinalaman sa anime sa buong Hilagang Amerika at sa Estados Unidos, pati na rin ang pagpunong-abala sa mga pistang anime (anime festival), na may pakikisama sa ibang organisasyong nagpapamahagi ng anime tulad ng Bandai Entertainment at Viz Media, sa base ng Sony sa San Francisco sa shopping complex na Metreon noong Oktubre 2001, noong panahong iyon ipinalabas ng Animax ang ilang mga anime nito, pati ang espesyal na Gundam, The Making of Metropolis, at screenings ng Love Hina.

Ang isang bantog na internasyonal na dyaryong The Financial Times, sinabi noong Setyembre 2004, na "sabik" ang Sony na ilunsad ang Animax sa Hilagang Amerika, pagkatapos pumirma ng kasunduan ang Sony sa pinakamalaking cable company sa Estados Unidos, Comcast, na nakisama sa isang US$4.8 bilyong acquisition ng bantog na Hollywood studio Metro-Goldwyn-Mayer, para lamang mailunsad ang tatlong telebisyon network ng Sony sa buong rehiyon.

Ang pagpapalabas ng Animax ay nakatalaga sa anime, naging kilala ito bilang pinakamalaking bente-kwatro oras na anime-only network sa buong mundo. nagpalabas ito ng ilang mga sikat na anime series tulad ng Ghost in the Shell: Stand Alone Complex, Cowboy Bebop, InuYasha, Ranma ½, Urusei Yatsura, Fullmetal Alchemist, Eureka 7, Honey and Clover, Rurouni Kenshin, Blood+, the DragonBall series, Cardcaptor Sakura, Tsubasa Chronicle, Vision of Escaflowne, YuYu Hakusho, Wolf's Rain, Tweeny Witches, pati na rin ang mga kilalang OVA series at pelikulang anime, tulad ng Steamboy, Ghost in the Shell, Nasu: Summer in Andalusia, Escaflowne at marami pang iba.

Pagsalin at Pangkat Pagboboses

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakapagsalin at nakabansag ng maraming anime ang Animax gamit ang sarili nilang dubbing teams (seiyuu sa hapon) na ipapalabas sa mga ingles na wikang network sa buong Timog at Timog-Silangang Asya, yung iba ay walang lisensiya ng mga amerikanong tagapamahagi tulad ng Detective School Q, Dokkiri Doctor, Twin Spica, Zettai Shonen, Clamp School, Emma - A Victorian Romance, Conan: The Boy in Future, ang sikat na Honey and Clover at Jigoku Shoujo series, at marami pang iba. Ipinalabas din ng Animax na walang censor ang ibang anime, halimbawa na ang Cardcaptor Sakura, na uncensored at hindi binago ang mga pangalan, istorya and pananalita, at marami pang iba.

Ipinalabas din ng Animax ang mga ingles na anime n gawa ng ibang kompanya tulad ng Bandai Entertainment, The Ocean Group, Bang Zoom, Geneon Entertainment, Viz Media, Central Park Media, at marami pang iba, nagpapalabas ng Cowboy Bebop, Witch Hunter Robin, Mobile Suit Gundam, Brain Powerd, Please Teacher!, Galaxy Angel, Arjuna, Jubei-chan, Tsukikage Ran, Angel Tales, Saber Marionette, Appleseed, Alien 9, mga pelikulang InuYasha, Fullmetal Alchemist, at iba pa.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Animax Japan - Corporate Profile (sa Hapones)
  2. 2.0 2.1 Sunrise official website - corporate outline Naka-arkibo 2006-01-05 sa Wayback Machine. - Sunrise, official corporate outline, About Us section. (sa Hapones)
  3. 3.0 3.1 Toei Animation official website - history section Naka-arkibo 2013-10-12 sa Wayback Machine., Toei Animation official website. (sa Hapones)
  4. 4.0 4.1 Toei Animation official website - English section - History Naka-arkibo 2015-03-02 sa Wayback Machine. Toei Animation official website.
  5. 5.0 5.1 Animax Japan - Official Partners Naka-arkibo 2003-10-30 sa Wayback Machine. (sa Hapones)
  6. 6.0 6.1 6.2 Sony Pictures Entertainment to Launch Animax Asia, Press Release, SPE, 29 Oktubre 2003, Anime News Network.
  7. "Sony drives Animax across Europe". Nakuha noong 2007-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Animax Heads to Europe". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-04. Nakuha noong 2007-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. The Anime Biz - By Ian Rowley, with Hiroko Tashiro, Chester Dawson, and Moon Ihlwan, BusinessWeek, 27 Hunyo 2005.
  10. "Animax International".
  11. (sa Hapones) Inter-Wikipedia article
  12. Official Ghost in the Shell information site, Production I.G official website.
  13. Animax Summer Festival 2005 - Report Naka-arkibo 2006-10-12 sa Wayback Machine., Excite.co.jp. (sa Hapones)
  14. Animax Official Press Naka-arkibo 2007-05-24 sa Wayback Machine., (sa Hapones)
  15. "Animax Crashes Korea on Saturday". Anime News Network. Nakuha noong 2007-10-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Animax Asia - Corporate Profile Naka-arkibo 2006-06-14 sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga opisyal na websayt
Asya
Europa