Katedral ng Berlin
Katedral ng Berlin | |
---|---|
Berliner Dom | |
Relihiyon | |
Pagkakaugnay |
|
Province | Samahan ng mga Simbahang Ebangheliko |
Taong pinabanal | 1454, bilang Katoliko Romanong Kapilya ni San Erasmo |
Lokasyon | |
Lokasyon | Cölln, isang makasaysayang kapitbahayan ng Berlin, Alemanya |
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Germany Berlin central" nor "Template:Location map Germany Berlin central" exists. | |
Mga koordinadong heograpikal | 52°31′9″N 13°24′4″E / 52.51917°N 13.40111°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto |
|
Istilo |
|
Nakumpleto |
|
Gastos sa Pagtatayo | 11.5 milyo marko (1905) |
Mga detalye | |
Direksyon ng harapan | west |
Haba | 114 metro (374 tal), mas maikli simula ng demolisyon ng hilagang bulwagang pang-alaala noong 1975 |
Lapad | 74 metro (243 tal) |
Taas ng simboryo (panlabas) | 115 metro (377 tal) (hanggang pagkawasak noong 1944) |
Mga materyales | orihinal na ladrilyo, simula 1905, Silesia na areniska |
Websayt | |
berliner-dom.de |
Ang Katedral ng Berlin (Aleman: Berliner Dom), na kilala rin bilang, ang Ebanghelikong Kataas-taasang Parokya at Simbahang Kolehiyal, ay isang monumental na simbahang Ebanghelikong Aleman at dinastikong libingan (Pamilya Hohenzollern) sa Isla ng mga Pulo sa sentrong Berlin. Dahil sa pinagmulan nito bilang isang kapilya ng kastilyo para sa Palasyo ng Berlin, ilang mga estruktura ang nagsilbi upang tahanan ng simbahan mula noong mga 1400. Ang kasalukuyang simbahang kolehiyal ay itinayo mula 1894 hanggang 1905 sa pamamagitan ng utos ng Alemang Emperador na si Guillero II ayon sa mga plano ni Julius Raschdorff sa mga estilong muling pagbubuhay Renasimyento at Baroko. Ang nakatalang gusali ay ang pinakamalaking simbahang Protestante sa Alemanya[1] at isa sa pinakamahalagang dinastikong libingan sa Europa.[2] Bilang karagdagan sa mga serbisyo sa simbahan, ang katedral ay ginagamit para sa mga seremonya ng estado, mga konsiyerto, at iba pang mga pangyayari.
Mula noong gibain ang seksiyon ng Pang-alaalang Simbahan (Denkmalskirche) sa hilagang bahagi ng mga awtoridad ng Silangang Alemanya noong 1975, ang Katedral ng Berlin ay binubuo ng malaking Simbahang Pangsermon (Predigtkirche) sa gitna, at ang mas maliit na Simbahang Bautismo and Matrimonyo (Tauf- und Traukirche) sa timog na bahagi at ang kriptang Hohenzollern (Hohenzollerngruft), na sumasaklaw sa halos buong basement. Nasira noong pambobombang Alyado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang orihinal na interyor ng katedral ay ipinanumbalik noong 2002. Sa kasalukuyan ay mayroong talakayan tungkol sa pagpapanumbalik din ng makasaysayang panlabas.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Information for pupils and teachers | Berliner Dom". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-28. Nakuha noong 2022-07-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The 'Hohenzollern' crypt | Berliner Dom".
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gottschalk, Wolfgang (1985). Altberliner Kirchen in Historischen Ansichten. Würzburg: Weidlich. ISBN 3-8035-1262-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kühne, Günther; Stephani, Elisabeth (1986) [1978]. Evangelische Kirchen in Berlin (ika-2nd (na) edisyon). Berlin: CZV-Verlag. ISBN 3-7674-0158-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website
- Berliner Dom at Sacred Destinations
- Berlin Cathedral at Panoramas of German Cities
- About the Berlin Cathedral, 1905–1995 Naka-arkibo 2011-10-01 sa Wayback Machine.
- Berlin webcam including view of Berlin Cathedral and the Palace of the Republic by Deutsches Historisches Museum
- Three-dimensional view of Berlin Cathedral (without plugin English, German, Spanish)