Kagalantihan
Ang kagalantihan o ang kodigo ng kagalantihan ay kodigo ng asal na may kaugnayan sa samahan ng mga kabalyero noong Gitnang Panahon.
Sa kasaysayan, ang kodigo ng kagalantihan sa huling parte ng Gitnang Panahon ay nagmula sa pinagsamasamang ideya mula sa maagang Gitnang Panahon ng mga tradisyong militar ng mga Aleman at Romano — na may kinalaman sa katapangang militar, sariling pagsasanay, at paglilingkod sa iba — at lalo na sa mga Pranses sa mga kawal na nagsisipangabayo sa kabalyerya ni Charlemagne. Sa wikang Ingles, tinatawag ang kagalantihang bilang chivalry na nagmula sa lumang Pranses na salitang chevalerie na ang ibig sabihin ay "sundaluhang kabayo."
Sa paglipas ng panahon, ang ibig sabihin nito ay napalitan para bigyang diin ang panlipunan at moral na asal sa pangkalahatan, at ang kodigo ng kagalantihan, katulad ng sa huling Gitnang Panahon, ay sistemang moral na pinagsama ang karakter ng mandirigma, birtud at magalang na pakikitungo ng mga Kristiyano, na lahat tumutulong para sa pagtatag ng dangal at antas.